Cardiovascular disease sanhi ng pagkasawi ng leader singer ng “The Cars” na si Ric Ocasek

By Jimmy Tamayo September 17, 2019 - 10:16 AM

Sakit sa puso ang ikinamatay ng lead singer ng The Cars na si Ric Ocasek.

Ayon sa autopsy report ng New York City medical examiner nasawi si Ocasek dahil sa cardiovascular disease partikular na ang hypertensive at atherosclerotic cardiovascular disease o kilala din bilang atherosclerosis.

Ang atherosclerosis ay isang kundisyon kung saan may naiipong bara sa ugat na nagpapahina sa puso.

Nakasaad din sa report na mayroong pulmonary emphysema ang singer.

Samantala, Lunes ng hapon nag-post ang dating misis ni Ocasek na si Paulina Porizkova ng madamdaming mensahe sa kanyang Instagram.

Sinabi ni Porizkova na namatay ang dating mister habang natutulog habang nagpapagaling matapos ang kanyang operasyon.

Maging ang anak ng singer ay nagbahagi sa kanilang social media account ng drawing nito.

Sina Ocasek at Porizkova ay 28 na naging mag-asawa bago sila nagkahiwalay noong 2017 at nagkaroon sila ng dalawang anak.

TAGS: Autopsy Report, cardiovascular disease, New York City medical examiner, Ric Ocasek, the cars, Autopsy Report, cardiovascular disease, New York City medical examiner, Ric Ocasek, the cars

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.