Rainfall advisory muling inilabas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Patuloy na uulanin ang Metro Manila at ang mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 6:45 ng umaga, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Quezon.
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Bataan at Rizal.
Ayon sa PAGASA, ang Habagat ang nagpapaulan sa nasabing mga lugar.
Pinayuhan ang publiko na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga abisong ipalalabas ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.