Good vibes ang ihahatid sa mga motorista ng bagong boses sa Waze.
Ito ay matapos ilunsad kahapon araw ng Lunes si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang pinakabagong boses ng traffic navigation app.
Ang beauty queen ang kauna-unahang Filipino celebrity na boses ng Waze.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Gray na sa pamamagitan ng Waze ay makapagbibigay siya ng positive vibes sa mga biyahero saanman sila papunta.
Nais ni Gray na manatiling masaya at positibo ang mga Filipino sa kabila ng maraming pagsubok tulad ng matinding trapiko.
“Being the newest voice on Waze enables me to share positivity to Filipinos who are on the road—going to school, work or wherever they need to be. I want to keep them inspired and help them find their way so that we can all be happy and remain optimistic, despite many challenges such as the traffic,” ani Gray.
Ang Waze ay isang GPS-based geographical navigation application program para sa smartphones na may GPS support kung saan nagbibigay ito ng impormasyon sa mga driver ng rutang pwedeng daanan para makaiwas sa mabigat na trapiko.
Nakipag-ugnayan ang Waze sa BDO Unibank para maidagdag si Gray sa mga boses ng Waze.
Para maging daily navigator ang Miss Universe, kailangan lamang siyang piliin sa ilalim ng voice directions sa settings ng Waze, settings > voice directions > Catriona Gray.
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.