Mga sumukong dating preso dahil sa GCTA law umabot na sa 612
Umabot na sa mahigit animnaraan ang bilang ng mga sumukong convict na sangkot sa karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, hanggang Lunes ng umaga, umabot na sa kabuuang 612 na convict ang bumalik sa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor).
Maagang napalaya ang halos dalawang libong convict na sangkot sa karumal-dumal na krimen sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Kasunod nito, nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng labing-limang araw na ultimatum para sumuko ang mga nasabing convict sa mga otoridad.
Katuwang ng BuCor ang Philippine National Police para maibalik sa loob ng Bilibid ang mga dating preso.
Nauna nang sinabi ng Malacanang na dadaan sa review ang kaso ng mga napalayang preso kaugnay sa GCTA law.
Gustong tiyakin ng Department of Justice na tanging mga kwalipikado lamang ang makinabang sa nasabing batas maliban na lamang kung maamyendahan ang Republic Act 10592.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.