Marikina City gov’t magsasampa ng kaso laban sa mga nagtapon ng patay na baboy

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2019 - 06:52 AM

Pananagutin sa batas ng pamahalaang lokal ng Marikina ang mga nasa likod ng iresponsableng pagtatapon ng mga patay na baboy at natagpuan na lamang nagpapalutang-lutang sa Marikina River.

Sa isang pahayag araw ng Linggo, sinabi ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na nagbigay sila ng ‘lead’ sa Department of Agriculture (DA) ukol sa posibleng pinagmulan ng mga patay na baboy.

Seryoso anya sila sa paghahain ng mga kaso laban sa mga nasa likod nito dahil sa paglabag sa clean water act at sanitation law.

“Ang city naman we are serious in filing cases against the culprit whoever would be found in violation of clean water act, and sanitation law,” ani Teodoro.

Ayon pa sa alkalde, maghahain din sila ng civil case para sa danyos bunga ng manpower at equipment na ginastusan ng lungsod para lamang malinis at mailibing ang mga baboy.

Maikokonsidera anyang may pananagutang ‘kriminal’ at ‘sibil’ ang mga nasa likod ng insidente dahil sa pagtatapon ng pollutant.

Ipinag-utos na ng Department of Agriculture (DA) ang deployment ng grupo mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) para imbestigahan ang maling pagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.

TAGS: African Swine Fever, DA, Department of Agriculture, Marikina City, Radyo Inquirer, African Swine Fever, DA, Department of Agriculture, Marikina City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.