Heavy rainfall warning nakataas sa maraming bayan sa Zambales; Metro Manila at mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2019 - 05:16 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa maraming bayan sa lalawigan ng Zambales bunsod ng patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, yellow warning ang umiiral sa mga bayan ng Iba, Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Botolan, at Cabangan sa Zambales.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, at Quezon.

Habang katamtamang buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Cavite, Rizal at iba pang bahagi ng Zambales.

Pinapayuhan ang publiko na mag-monitor sa sususnod na abisong ipalalabas ng PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

TAGS: habagat, heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning, habagat, heavy rainfall warning, Pagasa, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.