2 magkasunod na lindol naitala sa Surigao del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2016 - 06:45 AM

Jan 6 llindolNakapagtala ng dalawang magkasunod na lindol ang Phivolcs ngayong umaga sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Unang naitala ang magnitude 4 na lindol alas 4:31 ng umaga sa 10 kilometers north east ng bayan ng San Isidro.

May lalim na 20 kilometers ang lindol at wala namang naitalang intensity.

Sunod na nairecord ng Phivolcs ang magnitude 5.1 na lindol sa Burgos, Surigao del Sur alas 4:36 ng umaga.

Naitala ang lindol sa 24 kilometers north east ng bayan ng Burgos at may lalim na 19 kilometers.

Limang oras makalipas ang pagyanig sa bayan ng Burgos, naglabas ang Phivolcs ng updated information at itinaas ang magnitude sa 5.2 mula sa 5.1

Ayon sa Phivolcs, naitala ang Intensity 3 sa Burgos,Surigao del Norte, Intensity 2 sa Surigao City at Intensity 1 sa Mainit, Surigao del Norte.

TAGS: 5.1 magnitude earthquake hits burgos surigao del norte, 5.1 magnitude earthquake hits burgos surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.