DA, nilinaw na wala pang kumpirmadong kaso ng ASF sa Quezon City at iba pang lugar
Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala pang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa ilang lugar sa bansa.
Ito ay matapos mapaulat ang hindi pangkaraniwang pagkasawi ng ilang baboy sa bahagi ng Quezon City at Bambang sa Nueva Vizcaya.
Sa isang panayam, sinabi ni Noel Reyes, tagapagsalita ng DA, na kapag nagkaroon ng ulat ng pagkasawi ng mga baboy, pupunta ito ng Bureau of Animal Industry (BAI) para kumuha ng blood sample katuwang ang veterinary office sa lugar.
Sa ngayon, wala pa aniyang inilalabas na resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga baboy sa mga nasabing lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.