Higit 2,000 katao, apektado ng habagat dulot ng Tropical Depression ‘Marilyn’
Apektado ang mahigit 2,000 katao ng umiiral na southwest monsoon o habagat na pinapalakas ng Tropical Depression ‘Marilyn,’ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Umiiral ang habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas region.
Ayon sa NDRRMC, nasa kabuuang 2,360 na katao o 480 pamilya ang apektado ng nararanasang pag-ulan bunsod ng habagat.
Nananatili ang 1,815 na katao sa itinalagang apat na evacuation center.
Ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Region 9, 11 at 12.
Samantala, nasira ang bilang kabahayahan sa South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat dahil sa naranasang malalakas na alon.
Nagkaroon din ng pagbaha sa ilang lugar sa Region 3, 6 at 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.