Mga residente sa tabing ilog sa ilang bayan sa Bulacan pinaghahanda sa posibleng paglikas

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2019 - 10:10 AM

Dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan tumaas na ang tubig sa ilog sa Bulacan.

Sa abiso ng Marilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tumaas na ang antas ng tubig sa Marilao River.

Dahil dito inabisuhan na ang mga naninirahan sa Barangay Saog at iba pang nasa tabing-ilog na maging alerto.

Maari ding magpatupad ng paglilikas anumang oras.

Binaha din ang ilang major roads sa Marilao.

Alas 8:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 15 ay hindi madaanan ng light vehicles ang Mc Arthur Highway sa Barangay Abangan Sur.

Hindi rin naging passable sa maliliit na sasakyan ang Lias Road sa Barangay Saog.

Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa ilog sa Santa Maria, Bulacan.

Sa abiso ng Santa Maria MDRRMO, pinag-iingat ang mga residenteng malapit sa ilog bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level.

TAGS: Bulacan, marilao, Santa Maria, Bulacan, marilao, Santa Maria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.