Mahigit 600 pamilya nananatili sa evacuation centers sa Zamboanga City

September 15, 2019 - 06:52 AM

Dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa Zamboanga City dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Marilyn maraming barangay ang nananatiling baha.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 9 na barangay ang nalubog sab aha at nasa 616 na pamilya ang inilikas.

Kabilang sa mga binahang barangay ay ang Lunzuran, Tugbungan, Putik, Tetuan, Sangali, Tumaga, Pasonanca, Baliwasan at San Jose Gusu.

Naapektuhan din ang Brgy. Patalon at nasira ang ilang mga bahay kabilang na ang isang mosque.

Narito ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa mga evacuation centers:

Lunzuran covered court – 86 families
Tugbungan barangay hall – 18 families
Putik Central School- 23 families
Tetuan church – 14 families
Sangali barangay hall and covered court – 100 families
Tumaga Vda. De Jalon Elementary School covered court – 320 families
Pasonanca – 10 families;
Baliwasan Central School covered court – 9 families
San Jose Gusu – 15 families
Southern City College Covered court – 21 families

Inatasan ni Climaco ang CDRRMO na manatiling alerto sa posibleng emergencies at makipag-ugnayan sa BDRRMCs sa kanilang lugar.

TAGS: flooded areas, weather, Zamboanga City, flooded areas, weather, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.