Lorenzana: Kaso laban sa mga Chinese na sangkot sa Recto Bank incident dapat ituloy ng gobyerno

By Den Macaranas September 14, 2019 - 11:39 AM

INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC

Nanindigan si Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi lamang pag-hingi ng sorry at dapat ay managot rin sa batas ang mga crew ng Chinese ship na bumanggap sa bangka ng mga mangisngisdang Pinoy sa Recto Bank kamakailan.

Sa kanyang pahayag sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) forum, sinabi ng kalihim na dapat ay maparusahan ang mga Chinese na sangkot sa pangyayari.

Kinakailangan umanong gamitin ang lahat ng mga legal na pamamaraan para mabigyan ng hustisya ang mga Pinoy na biktima.

Ipinaliwanag ng kalihim na hindi makatao at labag sa international law ang ginawang pagbangga at pag-abandona sa mga 22 Pinoy crew ng F/B Gem-Ver.

Ang presensya ng mga Chinese at Vietnamese boats sa Recto Bank ay patunay na tuloy pa rin ang poaching sa lugar ayon pa sa kalihim.

Ipinaliwanag rin ni Lorenzana na may mga impormasyon sila na nagpapanggap na sibilyan ang ilang sundalong Chinese sa lugar sa pamamagitan ng paggamit ng ilang fishing vessel.

Nauna dito ay humingi ng paumanhin sa pamahalaan ang may-ari ng Chinese fishing vessel na bumanggap sa F/B Gem-Ver.

TAGS: China, gem-ver, IBP, lorenzana, Recto Bank, China, gem-ver, IBP, lorenzana, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.