Malacanang: Bagong banat ni Robredo kay Duterte walang kwenta

By Den Macaranas September 14, 2019 - 09:23 AM

(Photo by OVP)

Binuweltahan ng Malacanang si Vice President Leni Robredo kaugnay sa kanyang pahayag na binabalewala ng pangulo ang desisyon ng arbitral court na pumapabor sa Pilipinas.

May kaugnayan pa rin ito sa agawan ng mga isla sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw naman ang pahayag ng pangulo na mas inuuna niya ang kapakanan ng mas maraming mga Pinoy sa isyu.

“Notwithstanding this impasse with China on our territorial conflict, wisdom, prudence and pragmatism dictate that we forge in strengthening our foreign relations on uncontested matters that will invariably provide mutual benefit to our countries”, ayon pa sa kalihim

Tinawag rin ng kalihim na walang kwenta ang komento si Robredo na wala ring ipinag-iba sa mga kritiko ng pangulo.Pinayuhan rin ng tagapagsalita ng pangulo si Robredo na maging maingat sa mga pahayag at dapat ay katotohanan lamang ito.

Dapat rin umanong pag-aralan ng mga kritiko ng pamahalaan na masyadong sensitibo ang relasyon ng bansa sa China kaya dapat ay kalkulado ang lahat ng kilos ng pamaalaan.

TAGS: China, duterte, panelo, Robredo, vice president, West Philippine Sea, China, duterte, panelo, Robredo, vice president, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.