50,000 lisensya nakatambak sa Manila Traffic Bureau
Nanawagan na ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga may ari ng 50,000 driver’s license na tubusin na ang mga ito.
Sinabi ni Dennis Viaje, ang namumuno sa MTPB na ang naipon na lisensya ay nakumpiska simula noon pang 2004.
Aminado naman si Viaje na hindi nila alam kung may bago ng lisensya ang mga may ari dahil hindi sila konektado sa database ng Land Transportation Office.
Ngunit aniya hindi naman nila maitapon ang mga lisensya at kailangan nilang itago hanggang sa matubos.
Kaya’t ang apila ng opisyal tubusin na ang mga lisensya hanggang epektibo pa ang General Amnesty Program ng pamahalaang-lungsod.
Nabatid na ang programa ay iaalok hanggang sa huling araw ng kasalukuyang taon.
Aniya sa programa walang multang sisingilin at kung ano lang ang halaga na nasa Traffic Violation Receipt o TVR ay iyon lang ang babayaran.
Kahapon, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nakasanayan nang hindi tubusin ang mga lisensya ng mga nahuhuling motorista at idideklara na lang na loat o nawala para makakuha ng bagong lisensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.