Sen. Sherwin Gatchalian tiniyak ang P54B para sa teachers pay hike

By Jan Escosio September 13, 2019 - 08:10 AM

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na may paghuhugutan na ng P54 bilyon para maibigay ang panukala niyang madagdagan ang sweldo ng mga guro.

Ayon kay Gatchalian ang pondo ay maaring kuhanin sa P95 bilyon pork barrel na vineto ni Pangulong Duterte sa 2019 national budget.

Ang tinutukoy niyang pondo ay para dapat sa higit 2,000 proyekto ng DPWH.

Aniya maaring tumaas ng dalawang salary grades ang maibibigay sa mga public school teachers.

Ayon kay Gatchalian kailangan lang na magpasa ng supplemental budget para magamit ang P95 bilyon.

Dagdag pa nito kung may umento sa Teachers 1 hanggang 3, halos 900,000 sa mga guro sa bansa ang tataas ang sweldo.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 178 para tumaas ang sweldo ng mga pampublikong guro.

TAGS: 2019 national budget, DPWH, ineto ni Pangulong Duterte, public school teachers, Senate Bill No. 178, Sherwin Gatchalian, teachers pay hike, 2019 national budget, DPWH, ineto ni Pangulong Duterte, public school teachers, Senate Bill No. 178, Sherwin Gatchalian, teachers pay hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.