Ambush kay dating Pangasinan Rep. Espino kinondena ng liderato ng Kamara
Umani ng pagkondena sa mga miyembro ng Kamara ang naganap na pananambang kay dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, mariin na kinokondena ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano ang pananambang sa dating kongresista.
Umapela rin ito sa mga awtoridad sa mga awtoridad na arestuhin at papanagutin ang nasa likod ng krimen.
Sinabi naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu na walang puwang sa demokratikong lipunan tulad ng Pilipinas ang ganitong karahasan.
Dapat anyang kaagad mapanagot ang mga suspek at ang mga nasa likod nito.
Magugunitang sakay ng kanyang Toyoya Innova na kulay itim si Espino nang pagbabarilin ng nasa sampung armadong lalaki na lulan ng dalawang sasakyan sa San Carlos City, Pangasinan.
Isang bodyguard ni Espino ang nasawi habang sugatan naman ang dating mambabatas at dalawa pa nitong security aide na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.