Bagyong Marilyn magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila
Nakapasok na sa bansa ang tropical depression Marilyn.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,355 kilometers east ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA ang bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging maingat sa posibilidad na pagbaha o pagguho ng lupa.
Hindi naman maglan-landfall ang bagyo at maaring sa Lunes ay lalabas na ito ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.