13 arestado sa operasyon ng Loteng sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 06:07 AM

Arestado ng National Capital Region Police Office ang 13 katao dahil sa ilegal na operasyon ng Loteng sa Quezon City.

Dinakip ang mga suspek sa Barangay Sta. Lucia sa Novaliches ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. GUillermo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina:

– Aldwin Elic alyas PIdo, 43 anyos (bet collector)
– Ronelio Malabanan alyas Rolly, 54 anyos (Table Manager)
– Rustico Ilagan alyas Ryan, 36 anyos (Checker)
– Larry Magcalas alyas JR, 29 anyos (Checker)
– Raymond Trinidad alyas Totoy, 43 anyos (Runner)
– Jepoy Landeza alyas Poy, 19 anyos (Checker)
– Avelino Macahasa alyas Abling, 66 anyos (Checker)
– Cezar Somera Jr., 29 anyos (Checker)
– Rolando Valix Jr. alyas Lan, 43 anyos (Checker)
– Joeward Ayson alyas Wang, 27 anyos
(Checker)
– Efidencio Floresca alyas Boyet, 58 anyos (Checker)
– Ereneo Salen alyas Eric, 39 anyos (Runner)
– Christopher Placido alyas Boy, (Runner)

Unang natyempuhan ng mga pulis ang isang lalaking bet collector sa aktong kumukulekta ng taya ng residente para sa Loteng/EZ2.

Nang arestuhin ang lalaki itinuro nito ang lugar kung saan siya nagre-remit ng nakulektang taya.

Doon nadatnan ang 12 iba pa habang nagbibilang ng kanilang kuleksyon.

Nakuha sa mga suspek ang mga cellphone, calculator, bet cikkection na aabot sa P5,275 ang halaga.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa P.D. 1602 as amended by R.A. 9287 o Illegal Numbers Game/Loteng/EZ2.

TAGS: EZ2, illegal gambling, Loteng, NCRPO, Radyo Inquirer, EZ2, illegal gambling, Loteng, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.