Royal title ni Baron Geisler peke ayon sa Sultanate of Sulu
Inihayag ng Royal House of Sulu and North Borneo na peke ang umanoy royal title ng aktor na si Baron Geisler.
Ayon sa Sultanate of Sulu, hindi sila ang nagbigay ng titulong “peace and prosperity ambassador” kay Geisler.
Sa kanilang pahayag araw ng Miyerkules, nakasaad na ang pagkakakaroon ng aktor ng royal title ay hindi galing sa lehitimong Sultan of Sulu and North Borneo.
“Recent issuance of a fake royal title to Philippine actor, Mr. Baron Geisler, is not from the legitimate Sultan of Sulu & North Borneo.”
Ang pekeng royal title ay kagagawan umano ng mga nagpanggap na tao na hindi kinikilala maski ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon sa Sultanate of Sulu, ang mga ito ay “commoners with no royal blood” at hindi kinikilala bilang isa sa kanilang claimants.
Una rito ay inanunsyo ni Baron na napili umano siya bilang ambassador ng peace and prosperity ng Sultanate of Sulu and North Borneo.
Pero iginiit ng Sultanate of Sulu na hindi nila Datu ang aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.