Presyo ng ilang mga bilihin tataas ngayong Setyembre
Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin ngayong Setyembre ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ito ay matapos ihirit ng ilang manufacturers ng sardinas sa DTI na pagbigyan na ang itinutulak na taas-presyo na noon pang Agosto ipinangakong aaksyunan ng kagawaran.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, maglalabas na ang kagawaran ng bagong listahan ng suggested retail price (SRP) bago mag-Setyembre 25.
Nasa P0.50 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo ng ilang brands ng sardinas, instant noodles, gatas at kape.
Samantala, sinabi naman ni Castelo na pwedeng pag-aralan ang pagpapataw ng SRP sa mga convenience store.
Pero ipinaliwanag nito na natural na mas mataas ang presyo ng mga bilihin sa convenience store kumpara sa supermarket dahil sa ‘convenience’ na ibinibigay nito at sa 24/7 operations ng mga ito.
Ang pahayag ng DTI ay matapos ang reklamo ni Sen. Imee Marcos sa umano’y napakamahal na presyo ng mga bilihin sa convenience stores.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.