Duterte inutusan ang AFP at PNP na atakehin ang NPA

By Angellic Jordan, Chona Yu September 11, 2019 - 12:40 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng full scale na pag-atake sa rebeldeng grupong New People’s Army (NPA).

Sa talumpati ng pangulo sa awarding ng 2019 Outstanding Government Workers sa Malakanyang, sinabi nito iilang komunista na lamang ang mayroong ideolohiya at pawang matatanda na.

Pursigido si Pangulong Duterte na pulbusin ang komunistang grupo sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Nangangamba ang pangulo na hindi masolusyunan ng susunod na presidente ng bansa ang problema sa komunismo.

Bukod sa NPA, malaking problema rin sa pangulo ang ISIS.

Ayon sa pangulo, pinagpapawisan ang kaniyang kamay kapag naiisip ang ISIS.

Hindi aniya madaling masolsuyunan ang ISIS dahil epidemic na ito at mass insanity.

Ayon pa sa pangulo, kapag hindi naresolba ang problema sa ISIS, posibleng maulit pa ang naganap na pamboboma sa Sulu sa iba pang parte ng bansa gaya ng Davao at Zamboanga.

 

TAGS: AFP, atakehin, epidemic, ISIS, mass insanity, NPA, PNP, rebelde, Rodrigo Duterte, AFP, atakehin, epidemic, ISIS, mass insanity, NPA, PNP, rebelde, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.