Insidente ng panununog sa planta ng Abante umani ng pagkundina sa Kamara
Pinabibilisan ni ACT-CIS Rep. Nina Taduran sa Presidential Task Force on Media Security ang imbestigasyon sa naganap na panununog sa planta ng Abante.
Kasabay ng mariing pagkondena sa insidente nais nito na tiyakin na mapapanagot ang sinumang may gawa sa pagsunog ng printing house ng pahayagan.
Naniniwala naman sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat na isa nanamang pag-atake ito sa press freedom.
Giit ng mga kongresista, tiyak na gusto lamang din patahimikin ang media at takutin na isiwalat ang mga anomalyang inilalathala at ibinabalita laban sa gobyerno.
Nanawagan naman ang mga mambabatas na huwag maging hadlang sa media ang ginawang pag-atake sa Abante para gawin ang kanilang tungkulin at sa halip ay magkaisa para sa paghahatid ng transparency at accountability sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.