Davao del Sur niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

By Den Macaranas September 10, 2019 - 05:21 PM

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 5.8 ang lakas ng lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Davao Del Sur ngayong hapon.

Naramdaman ang pagyanig kaninang 1:39 ng hapon kung saan ay naitala ang epicenter nito sa Silangang bahagi ng Governor Generoso sa Davao Del Sur.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lakas ng lindol sa Intensity V sa bayan ng Governor Generoso at Mati, Davao Oriental.

Intensity IV naman sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental; Davao City; Tagum City at Panabo City, Davao Del Norte.Samantalang Intensity III naman sa Lebak, Sultan Kudarat; General Santos City; Alabel, Malapatan, Glan at Kiamba, Sarangani; Hinatuan, Surigao Del Sur; Bislig City; Butuan City;at

Intensity II sa bayan ng San Francisco, Southern Leyte; Santa Cruz, Davao Del Sur; Koronadal City; Magpet & Makilala, North Cotabato; Polomolok, Tupi & Surallah, South Cotabato; Malungon, Sarangani; Kalilangan, Bukidnon; Kidapawan City; Cagayan De Oro City at Columbio, Sultan Kudarat.

Bagaman malakas ang naramdamang lindol ay wala namang naitalang sugatan o napinsala hingil dito.

Nagbabala naman ang Phivolcs sa mga inaasahang aftershocks dulot ng naturang lindol.

TAGS: General Generoso, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake, General Generoso, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.