Border control dapat higpitan kontra African Swine Fever ayon kay Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio September 10, 2019 - 12:45 PM

Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na dapat tiyakin ng gobyerno na gagana ang border control mechanism para mapigilan ang pagkalat ng African swine fever sa bansa.

Aniya tama ang naging panawagan ng Department of Agriculture na makipagtulungan ang lahat na may kinalaman sa industriya para maiwasan na lumala ang sitwasyon.

Dapat aniya tiyakin ng kagawaran na malulusog at libre sa sakit ang mga inaalagaang baboy.

Paliwanag pa ng senador napakahalaga na gumagana ang border control para hindi maipasok sa bansa ang mga kontaminadong karne ng baboy at produktong karne.

Binanggit nito ang ulat na isang empleyado ng DA ang nagbigay pahintulot para maipasok sa bansa ang mga produktong karne ng baboy mula China, kung saan malala ang sitwasyon sa ASF.

Hinihikayat din ni Pangilinan ang mga magbababoy na maging alerto rin at agad iulat ang anuman maoobserbahan na sintomas ng sakit.

Inanunsiyo ng DA na naglaan na ng P82 milyon para mapigilan ang pagkalat ng sakit ng mga baboy.

TAGS: African Swine Fever, ASF, baboy, Border control, Department of Agriculture, Sen. Kiko Pangilinan, African Swine Fever, ASF, baboy, Border control, Department of Agriculture, Sen. Kiko Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.