Sen. Leila de Lima naniniwalang sindikato sa Bilibid ang utak sa pagpatay sa Bucor officer
Nais ni Senator Leila de Lima na magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon ukol sa pagpatay kay Bureau of Corrections Officer Ruperto Traya Jr., sa Muntinlupa City.
Nangangamba si De Lima na isang sindikato na may operasyon sa loob ng New Bilibid Prisons ang nasa likod ng pagpatay kay Traya.
Naniniwala ang senadora na itinumba si Traya dahil sa mga nalalaman nitong ‘hokus pokus’ sa records ng mga preso.
Aniya maaring pinatahimik na si Traya dahil sa pangamba ng sindikato ‘ikanta’ nito ang kanyang nalalaman ukol sa ibinunyag na GCTA for sale scam.
Pinatay si Traya noong Agosto 27, ilang araw matapos maisapubliko ang maagang paglaya dapat ni dating Mayor Antonio Sanchez dahil sa GCTA.
Dagdag pa ni De Lima, ang iskandalo ukol sa GCTA at pagpatay kay Traya ay patunay na malalim ang operasyon ng sindikato sa loob ng pambansang piitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.