Agarang pagpasa sa 2020 budget kailangan para isakatuparan ang mga infrastructure projects ayon kay Rep. Momo

By Erwin Aguilon September 10, 2019 - 11:59 AM

Mahalaga ayon kay CWS (Construction Workers Solidarity) Partylist Rep. Romeo Momo ang pagpasa sa takdang oras ang panulalang P4.1 trillion 2020 national budget.

Ayon kay Momo, na dating Undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dapat ay nabid-out na ang 90-95 percent ng mga proyekto sa ilalim ng DPWH hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Mainam anyang masunod ang projection para pagkatapos na mapirmahan ng Pangulo ang General Appropriations Act ay agad na maisasagawa ang awarding of contract at agad naring masisimulan ang lahat ng mga proyektong pang-imprasktraktura sa bawat distrito.

Matatandaang naapektuhan ang government spending ngayong taon sa infra projects makaraang matalagan ang Kongreso na mapapirmahan kay Pang. Duterte ang pambansang pondo dahil sa isyu ng pork barrel.

Kaugnay nito’y, sang-ayon naman ang kongresista na mag-overtime ang Kamara para sa plenary deliberations ng 2020 budget kahit pa ma-extend ang sesyon hanggang Biyernes.

Ala-1:00 ng hapon magsisimula ang sesyon ng Kamara para sa umpisa ng debate sa plenaryo sa pambansang pondo sa susunod na taon na target maipasa sa third and final reading bago magbrek ang Kongreso sa October 4.

 

TAGS: budget hearing, DPWH, infrastructure projects, budget hearing, DPWH, infrastructure projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.