Pagbebenta ng University of the Philippines ng 22 ektaryang lupa sa Quezon City government tuloy na
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11454 na nagbibigay pahintulot sa University of the Philippines (UP) Diliman na ibenta ang bahagi ng kanilang lupa sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City sa Quezon City Local Government.
Nakasaad sa batas na dapat na fair market price lamang ang halaga ng pagbebenta ng UP sa 22.467 ektaryang lupa sa Quezon City government.
Gagamitin ang lupa para sa mga residente sa Quezon City.
Inaatasan ng batas ang Quezon City government na bumuo ng technical working group para mag-identify sa mga lehitimong residenteng Barangay Krus na Ligas na magiging qualified buyers ng lupa.
Nakasaad sa batas na otomatikong mare-revoke ito kapag hindi nagkasundo ang UP at Quezon City government sa terms and conditions sa bentahan ng lupa sa loob ng isang taon mula nang malagdaan ang batas.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong August 30, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.