Mga crew ng tumagilid na cargo ship sa Georgia kabilang ang 13 Pinoy nailigtas ng US Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2019 - 10:59 AM

Nailigtas lahat ng mga tauhan ng US Coast Guard ang mga crew ng tumagilid na cargo vessel sa karagatang sakop ng Georgia.

Sakay ng Cargo Vessel na Golden Ray ang mga crew na kinabibilangan ng 6 na South Koreans, 13 Filipino at 1 American pilot.

Ibinahagi sa Twitter ng US Coast Guard Southeast ang mga video at larawan ng ginawang pagsagip sa mga crew.

Na-trap ng ilang oras ang mga crew sa loob ng tumagilid na barko at apat sa kanila ay inabot ng 35 oras sa pagkakaipit sa loob nang walang pagkain at inumin.

Nasira ang Golden Ray at unti-unting tumagilid sa St. Simons Sound malapit sa Brunswick sa Georgia.

Na-trap ang nasabing crew sa glass panel ng barko sa engineering control room kaya hindi siya agad nailabas.

Nangamba pa si USCG Captain John Reed dahil sa sobrang init ng temperatura na umabot sa 49 degrees Celsius at mas maari aniyang mas mainit pa ang temperatura sa loob ng barko.

Binutasan ng mga rescuer ang massive hull ng barko para makapagpasok muna ng pagkain at tubig at saka isa-isang inilabas ang mga na-trap na crew.

Ang huling crew ay nailabas alas 6:00 ng umaga ng Martes oras sa Pilipinas.

Agad dinala sa ospital ang mga nailigtas na crew.

Inaalam na kung ano ang naging dahilan ng pagtagilid ng barko.

TAGS: cargo vessel, Filipino Crew, Golden Ray, rescue operations, US Coast Guard, cargo vessel, Filipino Crew, Golden Ray, rescue operations, US Coast Guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.