Reserba ng kuryente sa Visayas at Mindanao manipis pa rin ngayong araw
Isinailalim sa red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Mindanao Grid dahil sa mababang reserba ng kuryente.
Kahapon umabot sa -86 megawatts ang pinakamababang reserba ng kuryente sa Agus 1 at Agus 2.
Sa power outlook advisory ng NGCP ngayong araw, nananatiling manipis ang reserba ng kuryente sa buong Mindanao.
Sa 1,578 megawatts na available capacity sa Mindanao ay aabot sa 1,455 megawatts ang system peak demand at 123 megawatts lamang ang reserba.
Sa pareho namang power outlook, ang Visayas Grid ay mayroon lamang 6 megawatts na reserba para sa araw na ito.
Nananatili namang mataas ang reserba ng kuryente sa Luzon na mayroong 2,787 megawatts na power reserve.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.