Yellow rainfall warning nakataas sa Zambales, Bataan at Cavite

By Rhommel Balasbas September 10, 2019 - 03:48 AM

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Zambales, Bataan at Cavite bunsod pa rin ng umiiral na Habagat.

Sa heavy rainfall warning advisory na inilabas alas-2:00 ng madaling-araw, nagbabala ang weather bureau sa posibilidad ng pagbaha at mga mabababang lugar at malapit sa river channels.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Pampanga at Bulacan na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Inabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management office na bantayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na advisory na ilalabas alas-5:00 ngayong umaga.

 

TAGS: bataan, cavite, Disaster Risk Reduction and Management Office, habagat, heavy rainfall warning advisory, Pagasa, yellow rainfall warning, zambales, bataan, cavite, Disaster Risk Reduction and Management Office, habagat, heavy rainfall warning advisory, Pagasa, yellow rainfall warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.