P13M halaga ng shabu nakumpiska sa buy bust sa Cavite; 3 suspek arestado

By Len Montaño September 10, 2019 - 03:11 AM

Photo from PDEA RO-NCR

Arestado ang tatlong suspek matapos makuhanan ng P13 million na halaga ng shabu sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Imus Cavite araw ng Lunes.

Ayon sa PDEA National Capital Region Office, naaresto sina Paul Angelo Lee Castro, 30 anyos, Jesse James Palenzuela, 29 anyos at Gina Carim Abdul, 45 anyos.

Ang tatlo ay nagbenta ng shabu sa isang PDEA undercover agent sa Emilio Aguinaldo Highway.

Nakuha sa mga suspek ang halos 2 kilo ng shabu na nasa dalawang plastic bags.

Dinala sa PDEA Laboratory Service ang droga para sa pagsusuri.

Ang operasyon sa Cavite ang pangalawa ng milyong-pisong halaga na huli ng PDEA NCR.

Una rito ay tatlong suspek din ang nahulihan naman ng P3.4 million halaga ng shabu sa isang mall sa Pasay City.

 

TAGS: 2 kilo, 3 arestado, buy bust, NCR, P13 million halaga, PDEA, shabu, undercover agent, 2 kilo, 3 arestado, buy bust, NCR, P13 million halaga, PDEA, shabu, undercover agent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.