35 sanggol mula Pilipinas naisalba mula sa sakit na biliary atresia sa isang ospital sa India
Nagtipun-tipong ang mga pamilya para gunitahin ang matagumpay na liver transplant sa mahigit 30 sanggol mula Pilipinas.
Simula noong 2016, nasa 35 sanggol ng pamilyang Pilipino na ang naisalba ng isang ospital sa India mula sa biliary atresia, isang pambihira at nakamamatay na sakit sa atay sa sanggol.
Ayon kay Kaye Wenceslao, ina ng isa sa mga pasyente, pinili ng kanyang pamilya na ipagamot ang kanyang anak sa India dahil sa mas abot kayang halaga nito.
Aniya, aabot sa 5 milyong piso ang halaga ng liver transplant sa Pilipinas.
Habang sa India, nasa 1.8 milyong piso ang average cost ng liver transplant.
Ikinalugod naman ni Indian Ambassador to the Philippines Jaideep Mazumdar na mas marami pang sanggol ang natutulungan ng murang liver transplant ng Apollo Hospitals.
Ayon kay Mazumdar, maging ang gobyerno ng Pilipinas ay nagpahayag ng interes sa adbokasiyang ito.
Kinilala naman ni Dr. Anupam Sibal, Group Director ng Apollo Hospitals ang tulong ng iba’t ibang sektor para mas maraming pamilyang Pilipino pa ang mabigyan ng mas abot-kayang alternatibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.