Habagat magpapaulan sa Northern at Central Luzon; LPA papasok sa PAR sa Miyerkules
Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mga pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.
Walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng ngunit pinag-iingat pa rin ang mga may maliliit na sasakyang pandagat sa paglalayag sa bahagi ng West Philippine Sea.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng PAR.
Mataas ang tyansa na maging ganap na bagyo ang LPA at inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.