‘Pork free’ 2020 P4.1T national budget hearing, tapos na sa Kamara
Iniulat kay House Speaker Alan Peter Cayetano na tapos na ang mga pagdinig para sa proposed 2020 P4.1 trillion national budget.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, maituturing na ‘record time’ ang pagtatapos ng mga budget hearing ng mga ahensiya ng gobyerno.
Sinabi ni Ungab na naging posible ito dahil sa sistema ni Cayetano kayat naging posible na makapagsagawa ng apat na budget hearings kada araw.
Pinatiyak din ni Cayetano na walang pork at ‘insertions’ ang pambansang pondo sa susunod na taon.
Kinausap din ni Cayetano ang vice chairpersons ng komite para makapagsagawa ng budget hearings at pinasalamatan naman silang lahat ni Ungab dahil sa kanilang kooperasyon.
Kinilala din nito ang pagtulong ng ibang miyembro ng Kamara sa pagsusuri sa mga budget proposal ng mga ahensiya para sa kanilang mga programa at proyekto.
Sa mga nagdaang budget deliberations, natatapos ito ng huling linggo ng Setyembre.
Inaasahan na bukas, araw ng Lunes (September 9) ay aaprubahan na ang committee report sa House Bill 4228, na iniakda ni Ungab at ang debate sa plenaryo ay magsisimula sa Setyembre 19 ayon naman kay Deputy Speaker Neptali Gonzales II.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.