Mangudadatu, umaasang makukulong ang iba pang may sala sa Maguindanao massacre
Patuloy na umaasa si Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu na mapapatawan na ng kaukulang parusa ang iba pang sangkot sa 2009 Maguindanao massacre.
Kabilang sa 58 katao nasawi sa pamamaslang ang asawa at ilang kamag-anak ni Mangudadatu.
Ayon sa kongresista, ipinagdarasal niya na walang makalusot sa batas nang dahil sa pera at impluwensya.
Aniya pa, dapat maparusahan ang mga nagplano, gumawa, at lahat ng kasabwat sa naturang krimen.
Sa darating na November 23 ang ika sampung taong anibersaryo ng krimen kung saan 58 indibidwal kabilang ang 32 mamamahayag ang pinatay sa Maguindanao.
Inaasahan naman na mailalabas na ng korte ang desisyon sa kaso bago ang anibersaryo ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.