WATCH: Panukala para amyendahan ang GCTA law ihahain sa Kamara

September 06, 2019 - 11:12 AM

Maghahain ng panukalang batas sa Kamara si Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez para amyendahan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ito ay para mas mabigyang-linaw ang nilalaman ng batas at maiwasan na ang nangyaring pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes.

Ayon kay Rodriguez, nais niyang maglagay ng panibagong probisyon na malinaw na magsasaad na ang heinous crimes offenders ay hindi sakop ng GCTA law.

Nais ding isama ni Rodriguez sa batas ang pagkakaroon ng transparency.

Dapat ayon kay Rodriguez kapag ang isang convict ay nag-apply para sa commutation of sentence ay maabisuhan agad ang pamilya ng mga biktima upang may tsansa silang tumutol.

Isasama din sa amyenda ang pagkakaroon ng automatic review ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa status ng mga mapapalaya nang dahil sa GCTA.

TAGS: Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon, Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.