WATCH: Halos 2,000 convicts sa heinous crimes na nakalaya dahil sa GCTA law hindi pwedeng basta pasukuin o arestuhin
Hindi maaring basta-basta lamang pasukuin o arestuhin ang halos 2,000 convicts sa karumal-dumal na krimen na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, co-author ng GCTA law, hindi pwedeng arestuhin ng walang warrant or arrest ang mga nakalayang preso.
Sinabi ni Rodriguez na magiging mahaba ang proseso ng pagpapasuko at muling pagpapa-aresto sa mga napalayang 1,914 na preso.
Paliwanag ni Rodriguez, mayroon na noong ruling ang Korte Suprema hinggil sa maling pag-compute ng GCTA.
Sa nasabing SC decision, ang legal na pamamaraan para muling mahuli ang preso na nakalaya dahil sa maling computation ng GCTA ay kailangang bumalik sa korte ang prosekusyon para humingi muli ng warrant of arrest.
Mali ayon kay Rodriguez ang interpretasyon ng Department of Justice (DOJ) na maaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga napalayang convict sa heinous crimes.
Bagaman totoo aniyang maaring muling ipaaresto ang mga nakalaya, dapat ay mayroon pa ring warrant of arrest para sila ay madakip.
Madali naman itong magagawa ng DOJ ayon kay Rodriguez dahil may piskal naman sa lahat ng panig ng bansa at maaring ang mga ito ang maghain ng mosyon sa korte para humiling ng panibagong arrest warrant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.