Napanggap na mga empleyado ng BOC huli sa extortion

By Angellic Jordan September 05, 2019 - 02:56 PM

Naaresto ang dalawang katao dahil sa umano’y pangingikil ng pera.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nahuli sina Gerardo Bundalian alyas ‘Jerry’ at Noel Panganiban sa ikinasang entrapment operation noong araw ng Lunes, September 2.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo sa pamamagitan ng 8484 anti-corruption text hotline na isa umanong indibidwal na nagtatrabaho sa BOC-Intelligence Group ang nangingikil ng pera sa consignee na Moriel Trading.

Katuwang ng BOC-IG sa operation ang National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Hinikayat naman ng BOC ang kanilang stakeholders at mga empleyado na manatiling mapagmatyag at agad i-report ang mga ilegal na aktibidad sa kanilang ahensya.

TAGS: BOC, entrapment, Extortion, BOC, entrapment, Extortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.