1,914 na napalayang convicts isasailalim sa immigration lookout bulletin

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2019 - 01:45 PM

Isasailalim sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 2,000 mga bilanggong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakuha na ng DOJ ang listahan ng mga pangalan ng 1,914 na nahatulan sa karumal-dumal na krimen at nakalaya.

Magpapalabas aniya ang DOJ ng immigration lookout bulletin (ILBO) laban sa mga ito.

Ito ay upang mabantayan ang kanilang pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.

Kinumpirma naman ni Guevarra na mayroong 10 nang napalaya ang sumuko na matapos ipanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuko nila sa mga otoridad at kung hindi ay ituturing na silang mga pugante.

TAGS: department of justice, Good Conduct Time Allowance, lookout bulletin, Radyo Inquirer, department of justice, Good Conduct Time Allowance, lookout bulletin, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.