33 bangkay natagpuan na sa nasunog at lumubog na diving boat sa California

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2019 - 08:38 AM

Umabot na sa 33 bangkay ang na-recover ng mga otoridad matapos ang pagkasunog ng isang scuba-diving boat sa California.

Matapos makuha ang 33 bangkay, 1 na lamang ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Ang diving boat ay nasunog at lumubog sa lalim na 66 feet.

Ang mga na-recover na katawan ay kinabibilangan ng 11 babae at 9 na lalaki.

Natagpuan sila sa lalim na 75 talampakan malapit sa pinangyarihan ng trahedya.

Isasailalim sa DNA test ang mga katawan para makilala.

Nasa diving excursion ang bangka sa Santa Cruz Island nang mangyari ang sunog.

Sakay nito ang 39 na katao, na kinabibilangan ng 33 pasahero at 6 na crew.

Ang limang crew ay nagawang makatalon at makalangoy dahil gising sila ng mangyari ang sunog alas 3:15 ng madaling araw.

Habang ang 34 na iba ay na-trap dahil tulog sila sa ibabang deck ng diving boat.

Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

TAGS: California, fire incident, scuba diving boat, sea tragedy, US Coast Guard, California, fire incident, scuba diving boat, sea tragedy, US Coast Guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.