Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na puganteng Chinese national sa magkahiwalay na operasyon sa Makati City at Pasay City.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, unang nahuli ang mga Chinese na sina Wang Yaru, Yu Ming Wei, Wei Chunxue, Li Zhi Cheng, Lin Huzi, at Zhou Zhongyi.
Naaresto ang lima sa amin na pugante sa isang concominium sa Makati habang ang isa naman ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong August 30.
Ayon kay BI Intelligence Officer Bobby Raquepo, sangkot ang mga dayuhan sa online fraud sa pamamagitan ng pamemeke ng mobile application na “Fast 3 Lottery.”
Dahil dito, ipapa-deport ang mga Chinese at maisasama sa blacklist para hindi na muling makapasok sa Pilipinas.
Tiniyak naman ni Morente na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga otoridad sa ibang bansa para mahuli ang mga puganteng dayuhan na nagtatago sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.