Exclusive: Pamilya Sanchez tatlong beses na nagtungo sa opisina ni Panelo sa Malakanyang

By Chona Yu September 04, 2019 - 09:32 PM

SALVADOR PANELO / OCTOBER 25, 2018
Presidential spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo answers questions from media during a briefing held at the MalacaÒang New Executive bldg, October 25, 2018.
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Tatlong beses na nagtungo sa tanggapan ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Palasyo ng Malakanyang ang pamilya ni convicted rapist at murder at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Base sa pananaliksik ng Radyo Inquirer, nabatid na hindi lang noong February 6 at 26 nagtungo ang mag inang sina Elvira at Marie Antonelvie sa tanggapan ni Panelo kundi nagpunta rin ang mga ito noong February 21.

Base sa logbook sa fourth floor kung saan naroon ang tanggapan ni Panelo, dumating ang mag ina bandang alas diyes ng umaga.

Gayunman, hindi malinaw kung nagkaroon ng pagkakataon na nakapulong ng mag ina si Panelo.

Nakalagay sa purpose ng pagbisita ng mag ina ang salitang “follow up” pero sa pahayag ni Panelo, inamin nito na dalawang beses lamang niyang nakapulong ang pamilya Sanchez.

Matatandaan na noong February 7, 2019, nagpadala ng sulat si Marie Antonelvie kay Panelo sa pamamagitan ng email para hilingin na bigyan ng pardon ang kanyang amang si Sanchez.

February 26 ay nagbigay ng referral letter si Panelo kay Board of Pardons and Parole Executive Director Reynaldo Bayang para sa Executive Clemency ni Sanchez.

Pero ni reject ng BPP ang referral ni Panelo noong March 19, 2019.

TAGS: Board of Pardons and Parole Executive Director Reynaldo Bayang, Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo, dating Calauan, Elvira at Marie Antonelvie, executive clemency, Laguna mayor Antonio Sanchez, Board of Pardons and Parole Executive Director Reynaldo Bayang, Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo, dating Calauan, Elvira at Marie Antonelvie, executive clemency, Laguna mayor Antonio Sanchez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.