Faeldon hindi oobligahin ng Malacanang na bumaba sa pwesto

By Chona Yu September 04, 2019 - 03:45 PM

Inquirer file photo

Ipinauubaya na ng Malacanang kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon ang pagpapasya kung papatulan ang payo ni Senador Manny Pacquiao na maghain na muna ng leave of absence sa trabaho.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng pagkakadawit sa kontrobersiya ni Faeldon dahil sa muntikan nang paglaya ni convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon wala pang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Faeldon.

“That’s for the … I think, that’s for the Chief Faeldon to decide”, dagdag pa ng kalihim.

Bahala na aniya si Faeldon na mag-desisyon kung liliban muna sa kanyang trabaho.

Hangga’t wala aniyang sinasabi ang pangulo, nangangahulugan ito na buo pa ang tiwala at kumpiyansa ng punong ehekutibo kay Faeldon.

TAGS: bucor, duterte, Faeldon, GCTA, panelo, bucor, duterte, Faeldon, GCTA, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.