China ipinagtanggol ni Locsin sa Kamara

By Erwin Aguilon September 04, 2019 - 03:06 PM

Nakahanap ng kakampi ang China sa katauhan ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin sa mga ulat na pagpasok ng mga barkong pandigma nito sa bansa ng walang permiso.

Sa budget briefing sa pondo ng DFA sa susunod na taon, sinabi ni Locsin na hindi naman mga barko ng China ang madalas pumasok sa bansa kundi ang sa mga Western Countries.

Sinabi ng kalihim na matapos malaman ng pangulo na mayroong Chinese warship sa West Philippine Sea inihayag ng pangulo na hindi papayagan ito ng bansa at kailangan pang magpaalam.

Sabi anya ng China, nais din nila na humingi ng permiso sa Pilipinas kumpara sa tugon ng mga Western countries na magkaroon ng absolute freedom at makapaglayag sa lugar.

Ipinagtanggol pa nito ang China sa pagsasabing isang beses lamang pumasok ang barko nito at nakapatay ang automatic identification system noong mag bagyo sa lugar.

Giit pa nito, gumagawa rin ng ganito ang western countries at gumagamit pa ng stealth technology upang hindi sila ma-track.

TAGS: Budget, China, DFA, locsin, West Philippine Sea, Budget, China, DFA, locsin, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.