Obispo sa Nueva Ecija umapela ng tulong para sa mga magsasaka
Umaapela sa mga opisyal ng pamahalaan ang isang obispo ng Cabanatuan, Nueva Ecija na pakinggan ang hinaing ng mga magsasaka na labis na apektado sa paghina ng sektor ng agrikultura bunsod ng ilang polisiyang ipinatutupad sa bansa.
Ayon kay Bishop Sofronio Bancud, dapat suriin ng gobyerno ang kalagayan ng mga magsasaka na nananawagang palakasin ang kanilang sektor na nahaharap sa tuluyang pagbagsak at pagkawala.
Ayon sa Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, ang Rice Tariffication Law o malayang pag-aangkat ng bigas ang dahilan nang paghina ng sektor ng pagsasaka sa bansa.
Sa ilalim anila ng nasabing batas ay talo ang mga magsasaka dahil hindi na bumibili sa mga lokal na magsasaka ang mga rice retailers dahil sa tambak na suplay ng imported na bigas sa mga pamilihan.
Magugunitang inalmahan ng mga magsasaka ang mababang farmgate price ng palay sa 7 piso kada kilo subalit mahigit sa 40 piso naman ang kada kilo ng bigas sa pamilihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.