US Coast Guard sinuspinde na ang search and rescue operations sa nasunog na diving boat sa California; 34 na sakay pinaniniwalaang nasawi
Pinaniniwalaang nasawi na ang 34 na sakay ng diving boat na nasunog malapit sa Southern California.
Nasunog at lumubog ang diving boat na pag-aari ng Truth Aquatics.
Sinuspinde na ng US Coast Guard ang search and rescue operations nito.
Kabilang sa pinaniniwalaang nasawi ay ang limang miyembro ng isang pamilya mula sa Northern California.
Sa post sa kaniyang social media ni Susana Rosas, sinabi nitong sakay ng naturang scuba diving boat ang kaniyang tatlong anak, ama ng mga bata at kanilang stepmother.
Kinumpirma ng isang eskwelahan sa Northern California na may mga mag-aaral sila at magulang na sakay ng dive boat pero hindi umano school-sponsored ang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.