Hanggang 12:00 ng hatinggabi na lang ang holiday truce

By Isa Avendaño-Umali January 03, 2016 - 07:03 PM

npaMagtatapos na ngayong araw (January 03) ang 12-day holiday ceasefire o truce sa pagitan ng gobyerno at New People’s Army o NPA.

Dahil dito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Restituto Padilla na ire-resume ng pamahalan ang ‘full military operations’ nito laban sa nabanggit na rebeldeng grupo, partikular sa mga NPA member na nasa likod ng mga pag-atake noong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Padilla, dismayado ang gobyerno sa makailang beses na paglabag ng NPA sa ceasefire.

Ani Padilla, apat na beses na sumira ang NPA sa self-proclaimed holiday truce ng Communist Party of the Philippines o CPP, kabilang na rito ang pag-atake sa militar na nagsasagawa lamang ng barangay visitation sa Camarines Sur noong Bagong Taon.

Maliban dito, inatake rin aniya ng NPA ang mga tropa sa Surigao, Compostella Valley at Bukidnon noong kasagsagan ng holiday season.

Sa deklarasyon ng CPP, ang 12-day holiday truce ay nagsimula noong 12:01AM ng December 23, 2015 at magtatapos 11:59PM ng January 03, 2016.

Makalipas ang ilang araw ng deklarasyon ng CPP, inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahalintulad na holiday ceasefire.

 

TAGS: AFP, Holiday truce, NPA, AFP, Holiday truce, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.