Bilang ng mga sugatan sa paputok, nasa 760 na
Umakyat na sa 760 ang bilang ng fireworks related injuries na naitala ng Department of Health sa 15-day monitoring and surveillance nito.
Sa report na isinumite ng DOH-Epidemiology Bureau, base sa Aksyon: paputok Injury Reduction o APIR campaign, ang kabuuang bilang ay mababa ng 18 percent o 168 cases kumpara sa five-year average, mula 2010 hanggang 2014.
Noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon, nasa 839 na kaso ang nairekord.
Mayorya ng mga kaso o 427 ay mula sa National Capital region o NCR.
337 cases o 45 percent naman ng 760 fireworks related injuries ay dahil sa piccolo, at karamihan sa mga biktima ay mga bata.
Maliban sa piccolo, ang iba pang dahilan ay ang kwitis (88 cases), iba pang uri ng firecrackers (74 cases), luces (45 cases), at 5-Star (30 cases).
Kabuuang 135 na fireworks related injuries naman ang namonitor sa Manila, sinundan ng Quezon City na may 85 cases; Mandaluyong, 52; Marikina, 37; Valenzuela, 25; Pasig at Navotas, 20 bawat isa; at Caloocan, 13.
83 percent o 628 ng mga biktima ay mga lalaki, habang ang pinakabatang biktima ay isang siyam na buwang sanggol at ang pinakamatanda ay 78 years old.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, mataas ang bilang ng mga kaso sa NCR dahil sa easy access .sa mga ipinagbabawal na paputok.
Bagama’t batay sa insiyal na assessment ng DOH, ‘all time low’ ang kabuuang kaso mula December 21 monitoring, sinabi ni Garin na kailangan pa rin ng bansa ng total ban sa mga paputok.
Ang huling araw ng surveillance para sa comparative data at sa January 05, 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.