Higit 100 bata dinampot sa Maynila

By Len Montaño September 03, 2019 - 04:51 AM

File photo

Dinampot ng mga otoridad ang mahigit 100 na mga bata dahil sa paglabag sa curfew sa Sta. Cruz, Maynila.

Ito ay kasunod ng simula ng implementasyon ng curfew sa lungsod para sa mga menor de edad na mga bata.

Isinakay sa mobile ng Baragay 348 ang dinampot na mga bata.

Dumagsa naman sa Rajan Bago Police Station ang mga magulang ng mga bata.

Anila, inutusan lamang nila ang kanilang mga anak na bumili sa tindahan at ngayon lang nila nalaman ang curfew.

Pero sermon ang inabot ng mga magulang mula sa mga pulis na mahigpit nang ipinapatupad ang curfew.

Gayunman, warning muna ang ibinigay ng otoridad sa mga magulang at hindi pa sila pinagmulta at ikinulong habang ang mga bata ay pinauwi rin at pinagsabihan an huwag ng kumalat sa lansangan sa dis oras ng gabi.

Simula kahapon ay epektibo na ang curfew sa lungsod mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

 

 

TAGS: curfew, dinampot, higit 100 bata, kulong, Maynila, multa, pinagsabihan, sermon, sta cruz, curfew, dinampot, higit 100 bata, kulong, Maynila, multa, pinagsabihan, sermon, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.