COA kinuwestyon ang P118B halaga ng delayed at hindi naipatupad na mga proyekto ng DPWH

By Len Montaño September 03, 2019 - 12:58 AM

Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang kabuuang P118 bilyong halaga ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umanoy lumabag sa batas.

Ayon sa COA, ang kwestyunableng mga proyekto ay delayed o kaya ay hindi naipatupad.

Sa COA Report, ang mga proyekto ay hindi nakumpleto sa loob ng panahon na nakalagay sa kontrata (P108 bilyon); sinuspinde (P8 bilyon); hindi ipinatupad o hindi pa nasisimulan (P2 bilyon) at terminated (P218 milyon).

Bigo rin umano ang DPWH at mga consultant nito na ikunsidera ang ilang bagay sa paunang pag-aaral ng proyekto.

Kabilang dito ang kalamidad, peace and order, isyu ng right of way, kaukulang clearance sa lokal na pamahalaan o permit mula sa national governments, at iba pang bagay ukol sa contractor.

Ayon naman sa DPWH, naglabas na sila ng demand letter at notices sa mga contractor para matapos agad ang proyekto.

Dahil dito ay naglatag ang COA ng mga hakbang para maging maayos ang proyekto at maiwasan ang mga delay.

 

TAGS: COA, delayed, demand letter, DPWH, hindi naipatupad, notices, P118B halaga, proyekto, COA, delayed, demand letter, DPWH, hindi naipatupad, notices, P118B halaga, proyekto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.